jump to navigation

AQ BA 2? January 30, 2007

Posted by kilospup in Features.
trackback

(PUPians through times)

Freshies (n: people who are excited, nagpapanggap pa, adjusting to the new realm, burning with curiosity)

Unang araw ng eskwela, bitbit mo ang payo ni mommie, bilin ni daddie, kiss ni nannie, at ang mga bagong gamit, na matagal mo ng naihanda dahil sa hindi maitagong EXCITEMENT, calej boy/gurl kna [this is it!]Admitted kna sa R18 movies [hmmmmp, don’t think too GREEn-it only means that you’re matured enough to understand such things and learn to appreciate it with sound judgment], malaki na ang allowance at higit sa lahat hindi ka na maxado ma-momonitor ni mommie/daddie and nannie [start of independence, not rebelling].

First day high, first punk siempre, a lot of firsts, d2 ka mabibinyagan ulet. First time mong pumila na mas mahaba pa sa pila ng NFA rice distribution, ma-meet sa personal ang local version of Tom Hanks’ polar express [chchchcuuu train]. The age-old PNR trains ang una mong kelangang pagtiisan bago makarating sa gate, at least you have a crack at HISTORY, take this [“Philippine National Railways was first established in 1892, six years before the declaration of Philippine independence] courtesy of http://wikipedia.com.

First in the Philippines, ang canteen right beside your toilet, loading and unloading [excuse me po!!!!!] Xempre pa ang WHITE HAUS, ang pinagpipitagang Ninoy Aquino Learning Resource Center (library), considered as the Asia’s biggest in size, yet poorest in facilities, books, references etc. sa madalit sabi sagana sa laki. Skul-bahay-laybrari-bahay, ring a bell? Yan ang ruta ng maraming estudyante, for obvious reasons, nagpapanggap pa (dala pa ang pagka-HS), at siempre ala pang alam na tambayan. To top all first times, ay ang kaba’t takot na una mong naramdaman ng narinig mo ang alingangaw/bulahaw na bubulabog sayo habang taimtim na nakikinig ng lecture kay prof. aakalain mong, me away, rambol, o dumating na ang katapusan ng sangkatauhan— presenting the infamous rallies and demonstrations, kahit me klase.

Sabi nga use your first time as a learning experience, habang tumatagal, you’ll learn the trick—dedma. Speaking of dedma, you’ll never fail to notice ang mala-dumpsite sa sobrang crowded na CATWALK sa dami ng naka-post, mga tiratirang papel, staple wires, natuyong paste. Mula sa “NO to US Imperialism” vandal hanggang sa “Join our club announcements” name it, you’ll get it, meron ding birthday, anniversary, monthsari greetings at lahat ng okasyon. Anjan din, makakmit ka ng txtm8s, EB’s at mga nakapost na #’s, that’s how friendly the students are. The biggest of all ang pamosong adjustment period, parang ung naramdaman mo ng una kang dalawin (for the girls) o yung first time mong bininyagan (sa mga boys). Ibang-ibang pakiramdam, unlike HS, baby ka ni titser (teacher’s pet) D2 talu-talo. Kaniakania. Sa labas plang, maganda ng training ground, along teresa street, kaniakaniang tago ng CP, necklace, bracelets and other jewelries, dahil maraming beasts (snatchers, pickpockets), BEWARE! Takot mang maituturing ang mge freshies natin, aba, aba! Being scared and conscious are virtues pala, kasi most our freshies nagiging responsible at well behaved students kasi nga mga takot pa..

2nd year (immune, gutsy, improvement)

Sa ikalawang taong pamamalagi, xiempre, kahit papaano eh, you’ve mastered the TRICk that I was referring to. Pagpasok sa gate, 1st trick, kung hindi dala ang ID, no sweat, may workaround. Una makikipagdaldalan sa kasabay o kaibigan, at dedma c manung guard. Pangalawa, ilalabas ang notebook oh kahit anung pantakip, para hindi mahalatang walang ID. At ang WINNER sa lahat, maghihintay ng kakilala sa gate at kokontratahin na sa registration card at ID, kasi there is a policy that if you don’t have your ID with you, you can use your registration card at pagnakapasok na ang kasabwat iaabot ang ID at magpapanggap na ID nia yun. WAIS, that’s what you call determination and ingenuity. Gutsy na, c tutoy at ineng. Pagpasok sa room, lapag lang ng gamit at tambay agad sa koridor at sisimulan na ang fave pastime of all time—chixmaxx to the maxx. Reason behind? is the famous “Learning is not confined within the walls of classrooms” adage, oh san kpa. DAhil nakatapos ka na ng 2 semesters, alam mo na ang ilang murang bilihan, kainan, bilyaran atbp. Anjan ang all-time fave refillable lugaw @ php6. low-rate internet café’s and shops. Gimikan, centerpoint, SM manila, pwede narin Greenhills at cubao. Sama mo pa ang intramuros (WOW) at malate. Siempre me IMPROVEMENT na sa ruta, kun dati’y skul—bahay—library, ngaun skul—mall—computer shops—bahay. Depended pa yan sa tibay ng sikmura, minsan ala na sa listahan ang bahay, uuwi nlang para humingi ng baon at magpalit ng damit(subsuo kc sa extra-curricular activites) Dahil sa dami mo ng alam, kakilala, at impluwensya, never ka ng tatagal sa loob ng clasrum. Pag-ring palang ng bell, parang sinisilihan ang puwet derecho exit na. D2 mo na masasabi sa mga old frends mo way back in hi-skul, “dude I’m sorry bc eh” minsan hindi ka na makakasama sa mga family affairs and trips, dahil komportable ka ng kasama ang mga ka-edad mo na kapareho ng trip and hangouts. Mejo nag-iiba narin ang gusto mo sa fashion (courtesy of UK and DIVI), you learn to be practical, kaya mas humahanap ka ng mas mura. E2 ang panahong mejo relaxed pa sa scul kc most of the subject are just minor disciplines.

3rd year and 4th year. (tigas-ulo, master of all trades, parenthood, jobseekers)


Sa isang bagay na gingawa mo ng tatlong taon, sanay na sanay kana d2, kumbaga master mo na ang lahat ng tunkgol d2 at hindi ka na pwedeng mapaglinlangan. PAgpasok mo sa skul, kun dati eh backpack pa ang dala o kaya nama’y malaking bag na puno ng books, school papers etc. eh ngaun swerte na kun me dalang lapis at papel. MAdalas, sabi ng iba, nasa UTAK daw lahat, hindi na kelangan ng notes. Claim nmn ng iba, hindi na tayo highschool, a pen is enough. Gone were the days when notebooks and pens
(pencil case) are your buddies. Ngaun, UTAkan nlang yan. Trademark nayan, na ang storage device ay ang UTAK which is good, hindi ang notebook. Me mga ka-vibes ka ng prof, janitors, kahit ang mga guard na kinainisan mo sa sobrang OA sa higpit when comes to wearing your ID’s. Kung nung una eh, sunud-sunuran ke prof, ngaun, The devils (professor) wear PRADA, ang drama. Kundi galit ka sa prof mo, sau galit ang mga e2, yan ang nature’s equilibrium, panu ba nmn eh, minsan ka nlang nagpapakita, minsan no-show tlga at sa oras ng midterms and finals, sumusulpot. Ang maganda ay dahil nga sa tagal na ng pamamamlagi mo eh alam mo na ang kalakaran, na basta ipasa ang midterms and finals, your through to the next sem (welcome to Hollywood!!) SA galing at listo ng mga estudyante, eh mas marami parin ang pumapasa at gumagrad8. Not to mention ang mga overstaying, overtime students that for them 6years of staying here won’t suffice. Hindi naman sa mangmang o BOBO, naiba lang ng direksyon, imbes ang turing sa unibersidad eh paaralan na kung saan ang MISSION mo ay mag-aral at matuto, naging kanlungan ng hindi maintindihang prinsipiyo at delusyon. Imbes na nsa clasrums eh mas trip pa ang mag-walkout straight to the streets of mendiola, C.RECTO, legarda and QUIAPO. Sabi nga eh, naguguluhan yata sila, na imbes sa TERESA street dumerecho at magka-edukasyon, sa MENDIOLA naglalagi para sa demonstrasyon. Narinig narin lang natin ang maling direksyon, at pagiging mapusok, hindi maiiwasan na we’ll loose control, dla ng emosyon, damdamin, temptasyon, na kadlasan, imbes na maging full-time student, ayun umibig and ended up being a fulltime parent. Ala taung magagawa sabi nga ni KYLA “it’s human nature” sadyang mapagmahal tau, love conquers all ika nga. Pera wag ka since namaster na nga ang art of DEDMA, kahit preggie na at lobonglobo na ang tiyan, “the HELL I care” pasok parin aq, to get my diploma—that’s determination and appropriate stubbornness. That proves the point, that students today are grounded to their goals, despite the circumstances (walang pera, buntis, ayaw pag-aralin ng parents, working etc).

SILANG MGA ASTIG

Maituturing mang pasaway at makalokohan ang mga taga peyups, aba! Don’t even try to underestimate them, dahil sa mga achievements and honors na ibibinibigay nila sa school, malulula ka! The Whiz minds of Peyups, the Champions of prestigious National Quiz Bee, The Board Passers, that make all of the hardship of PUPians worthy, The Young Leaders, who prove that PUP is a training ground for future leaders, The Artist, na nagpakita ng talento ng PUP sa buong bansa. Patok na patok din na produkto ng Peyups and mga professional and skilled workers.

Sa Panulat nina: Jan Christian Fajardo and Joy Micaller

Comments»

1. Ma.Lilibeth F.Javines - January 31, 2007

eto n…eto n…whatta blog out here ah!!pipol if you want ur tym 2 b worthwile…spend it by making a comment to this blog!

2. mai - February 2, 2007

wow nbasa ko na ung website nting mga Peeyupee-ians,,astig nga.. hehe ung mga nkasulat ndi mo alam kung maaawa ka sa facilities ntn eh o mtatawa k nlang.. iba tlga tau..aztigz.. sna mdagdagn p ung mga write-ups..guys saludo aq sa inyo..nag-enjoy aq s pgbbsa..(*-*)

3. gb - February 5, 2007

is it real!!!? or am i jas only driming??? wake me uppp!!! pleazee..!! before you go go… ahihi

>astig tlaga… keep it up yow…!

4. randyblu - March 3, 2007

keep it up! cool site

5. joel - July 15, 2007

hello guyz im joel im here in saudi, nagaral ako sa pup kaso di ko natapos ang curz kase nabuntis ko ang GF ko na ngayon ay asawa ko, na kinaliwa ako, sobrang lungkot ko now d2, pero kaya ko e2, natu2wa ako na nabasa ko e2ng website na e2, marami rin me natu2nan during my days in pup, isa rin ako demonstrador sa mendiola, i want some friends na makakachat ko or makakaemail ko pra naman kahit papaano mawala ang problema ko,npakahirap ng kalagayan ko d2 now halos mabaliw ako!

6. OD - December 13, 2007

What can I say, it brings back old memories….something that is priceless. Actually, sa PUP ako naging mulat, marami akong prof. na naging insperasyon ko. But I have to disagree about your impression about the student activists who bravely go down the streets of mendiola and take all the violence from the government. Prinsipyo ang pinag-uusapan dito at ang paniniwala at paglaban para sa karapatan – hindi ito biro. I cannot blame you, mayroon din naman kasing mga talagang lihis at extreme idealist na student activist…to the point na “out-of-control” – ganun talaga pag nasa ganun kang edad. Pero sa paglipas naman ng panahon at pagtibay ng mga paninindigan at paniniwala, natutuwid din naman ang kanilang linya ng pakikibaka.

Obviously, isa ako sa mga produkto at nahulma ng PUP at proud ako dito. Marami na akong PUPians na nakilala, naka trabaho at nai-train…iba talaga ang kapag PUP graduate, masipag, creative at resourcesful…higit sa lahat walang inuurungan! GO PUP!

7. jobelle reyes - October 31, 2008

elow po,me po jobelle grade 6 palang po me.
Nalulungkot po me sa nangyayari sa mundo ngaun!!!!!!!!
cge d2 nlng po
🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: