jump to navigation

Talk Doesn’t Cook Rice June 12, 2005

Posted by Aimei in Alumni.
trackback

By Edelle D. Mabazza
Magna cum laude
Bachelor of Science in Economics,2002

Speech delivered during the Commencement Exercises
Held on April 26, 2002 at the Folk Arts Theater
CCP Complex, Roxas Blvd., Pasay City

Honorable Executive Secretary Alberto G. Romulo, Chairman Ester Garcia and Members of the Board of Regents, University President Dr. Ofelia M. Carague, Vice Presidents, Deans and Directors, Chairpersons, faculty members and staff, parents, friends and fellow graduates…good morning.

I am humbled and deeply honored to deliver this valedictory speech. I have to think hard over the past few weeks about what words I could offer that would inspire us graduates, and become essential to us now and in the years to come. Never in my wildest dream that I would be standing here today addressing you all. Perhaps a year from now, you would forget the words I said. However, I will try to be brief.

Una sa lahat, ang pagtataposna ito ay ating ialay sa Poong Maykapal. Siya ang pumapatnubay at kumakandili sa ating lahat.

Marahil, marami sa mga lubos na nakakakilala sa akin ay magtataka kung bakit ako narito sa inyong harapan. Hindi ako madalas makitang sumasali sa mga university competitions. Hindi rin ako naging lider ng kahit na anong academic and non-academic organizations nitong ating pamantasan. Ako ay kagaya rin ninyo, isang ordinaryong estudyante ng PUP. Ako ay naniniwala na ang isang pangkaraniwan ay maaaring maging kakaiba sa kanyang sariling paraan.

I believe in my own way, I am an achiever. There are two nuggets of wisdom which guided me to be the best. First in this Chinese proverb: “Talk doesn’t cook rice”. Second, my mantra for life: “A good leader is also a good follower”.

Naniniwala ako na ang gawa ay mas mabisa sa salita.sabi nga ng karamihan, kapag kaunting salita ay kaunti rin ang pagkakamali. Kaugnay nito, ang tao ay naihahalintulad sa pagsasaka: ang likas na magsasaka at ang tagapamahala ng lupa. Sumusunog sa tindi ng sikat ng araw at sa lamig ng ulan sa pag-asang magiging maganda ang kanyang ani. Sa kabilang banda, komportable sa kanyang tahanan ang tagapamahala ng lupa; naghihintay lamang ng kanyang bahagi kapag anihan. Isang katanungan para sa lahat ng narito: Ikaw ba ay magsasaka o tagapamahala ng lupa? Ano ka ba talaga?

One drawback in most of us is that we talk more but do little. I guess real fulfillment of a person’s goals, dreams and aspirations does not really occur until we come face-to-face with the task accompanying those endeavors. No matter how many plans we formulate, real transformation is the only key in achieving those plans. I have always been a silent worker.

Bukod sa paniniwalang ang gawa ay higit na mabisa sa salita, lubos akong naniniwala na nakasalalay ang tagumpay hindi lamang sa ating mga lider. Ito ay higit na nakasalalay sa mga taong nasa likuran na nagsisikap na sumusunod upang makamit ang bawat layunin. I have said that I rarely stand as a leader but I am so grateful to stay always in the background to be a good follower. I believe that when a good leader leaves, a good follower will take over.

Ang naging buhay-estudyante ko sa loob ng apat na taon dito sa Unibersidad ay isang ordinaryong kwento na kagaya ng sa inyo. Nagtitiis sa napakahabang pila tuwing enrollment, kinakabahan sa mga bagong professors, nakakaramdam ng hirap ng mga examinations, sunod-sunod na projects at deadlines, walang tulugang pagaaral, at kakapusan ng pera dahil sa walang hanggang research at term papers. Sa kabila ng mga hirap na ito, nakayanan naman natin, hindi ba?

Ako ay hindi nakapisan saaking mga magulang kaya’t hindi napakadali ang lahat. Katatapos ko lang noon ng elementarya nang lumuwas ako sa maynila, upang magpatuloy ng pag-aaral. Nakitira ako sa isang tiyahin. Akala ko noong una ay madali lang… pero nagkamali ako. Naisip ko, ganito pala ang kapiling ang sariling pamilya… mahirap… malungkot… nakakatakot. Mahirap dahil ikaw mismo ang maglalaba, mamamalantsa ng sarili mong damit. Malungkot kapag ikaw ay may sakit o may problema. Wala ang mga magulang o kapatid para matakbuhan o mahingan ng tulong. Nakakatakot na malayo sa pamilya; nararamdaman mong nasa ibaba ka at nag-iisa. Minsan, wala akong magawa kundi ang umiyak… pero kailangang magpatuloy… Kung nanghina ang loob ko noon, wala ako dito ngayon.

Hindi lahat ng oras ko ay nakatuon sa pag-aaral. Sinikap kong hatiin ang oras na ito at makatulong sa bahay ng aking tinitirahan bilang tanda ng pasasalamat sa kanilang pagkupkop. Marami na tayong narinig na ang “time management” ay isang mabisang paraan upang malabanan ang kakapusan sa oras. Naniniwala ako sa paraang ito, subalit hindi ko masasabing lubos ko itong ginagawa.

One of my weaknesses is being poor in time management. However, this weakness did not hinder me to be good in my studies. I may not be good in time management, but I make sure that my time is used efficiently. I know I have done my best and I have enjoyed doing the things I have accomplished.

Many of us may come to think that our graduation today, is a proof of success. I humbly submit that it is not. I have once read that “You can get all A’s and fail the test of life”. The diploma we will shortly receive is not the real proof of success. It is not a guarantee of a good future. It is not simply how much you talk, but what you do, and how you do it, which will determine whether or not you will succeed. Success is the capacity to dream at it’s the fullest and the determination to live in relation to that dream. However, as one American poet once said: “In dreams begin responsibilities”. Indeed, where would many of us be if we did not dream, if we allowed ourselves to be defined by limits instead of possibilities. So I urge you: do not accept limitation! Dare to dream!

With that, the next quality of success is failure. Yes, failure. The most successful person are not those who simply made mistakes. They are the ones who have learned the most mistakes they committed. So when failure comes, and surely it will, face it and accept it without excuse. And then, go on.

And finally, success must be shared to be enjoyed. Resist the temptation to retaliate, but applaud for somebody’s achievements. The secret of success, I believed, is to talk less and do more. Dream and aim for the best. Treat failures as accomplishments, and let them serve as our driving force to strive for more.

Kagaya rin ako ng marami sa inyo, buhat sa isang simpleng tahanan. Pito kaming magkakapatid. Ang aking mga magulang ay mga magsasaka. Ang kahirapan ng buhay ay lubos naming nararamdaman pero hindi ito naging hadlang upang kaming lahat na magkakapatid ay hindi makapag-aral. Ang tatay ko, tulad ng napakaraming ama na narito, kahit nababakas ang pagod na dulot ng tindi ng sikat ng araw, ay hindi ko narinig na nagreklamo. Bago ako lumuwas nitong nakaraang buwan, ang tanging salita na narinig ko mula sa kanya, “Pano ba iyan,anak, isang taon na naman tayong di magkikita.”

Ang nanay ko, kagaya rin ng mga inang narito, ay laging nagpapabaon ng napakaraming paalala tuwing luluwas ako sa Maynila. Maaaring marami sa atin ang nagsasawa na sa kakapakinig ng mga sermon at kanilang “pakikialam” sa ating buhay. Pero naitanong nab a natin kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na ito? Nararamdaman ba natin ang takot na nararamdaman nila sa tuwing tayo ay aalis? Nalalaman ba natin ang tindi ng hirap na tiniis nila para patuloy na maipadala ang lahat ng kailangan natin sa tamang oras? Binigyang pansin ba natin ang lungkot na nararamdaman nila kapag nag-uwi tayo ng mga grado na di nila inaasahan? Marahil ay hindi… dahil ang magulang natin ay nananatiling tahimik. Kinikimkim ang lahat-lahat, at patuloy na nagtitiis na lamang. Dahil para sa kanila, ang mapagtapos tayo sa kolehiyo ang tanging pamana nilang maihahandog sa atin.

Di ba’t madalas natin itong marinig sa kanila pero di lang natin lubos na binibigyang pansin? Ngayon ay isang napakagandang pagkakataon na mabigyan natin na kahit na munting sukli ang lahat ng kanilang paghihirap, pagtitiis at pagmamahal. Inaanyayahan ko ang bawat isang nagsisipagtapos ngayon na tumayo at lumingon sa ating mga magulang. Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan tanda n gating lubos na pasasalamat. Maramin-maraming salamat pos a inyong lahat minamahal naming mga magulang.

Not only are our parents the main reason why we are here in this life, but, chances are, they have rejoiced with us in good times and have cried with us in bad times. They deserve a big hug! Actually, they deserve everything you will give them now, and later, your first salary.

Karamihan sa atin ay nagmula sa probinsya, kaya’t ang PUP ay nagsilbing ikalawang tahanan natin. Dito ay nagkaroon tayo ng bago kakilala, kaibigan at kapamilya. Madalas, ako ay napapagalitan dahil mas maraming oras pa ako nandito sa PUP kaysa sa bahay. Lagi akong napagsasabihang, “Diyan ka na nga tumira sa PUP!” kasi dito sa unibersidad ay nararamdaman ko rin ang isang tunay na tahanan. At katulad ng isang tunay na pamilya, itoay may pundasyong matatag. Ang pundasyong ito ay ang administrasyon na pinamumunuan n gating natatanging pangulo, Dr. Ofelia M. Carague, na siyang nagsisilbing ina natin.

Ang ating pamantasan ay mag-iisang daang taon na sa 2004. Isang siglo na ang PUP ay patuloy sa paniniwala sa paglilingkod na ang edukasyon ay isang mabisang instrumento para makalikha ng kapaki-pakinabang na mamamayan. Isang siglo nang nagsikap ang PUP upang mabigyang pagkakataon na makapag-arl ang mga kabataang mahihirap na kagaya natin. At bilang pakikibahagi sa layunin ng PUP, inaanyayahanko kayo na magbigay ng malakas na palakpak sa ating sintang pamantasan.

Fellow PUPians, be proud of PUP. You know that you have not just gotten a degree from this University. You have received an Education, in the fullest sense of the word. The PUP administration with its programs of excellence has always been making sure that every student who will graduate from this university will be equipped with knowledge, competitive skills and remarkable discipline that would make them a person of authenticity and exemplary performance. PUP graduates have already proven their expertise in diverse fields and have maintained a commendable role in the country and even abroad. Because of this, I, who have the privilege to speak in behalf of the PUPians, do appeal to the government, that PUP deserves more, to make every student of this university a productive citizen of the country by increasing our budget. With better support from the national government, I believe that PUP will be able to continuously produce more Edelle Mabazzas.

I would like to take this opportunity on behalf of the graduating students, to extend our deepest gratitude to all our college deans, chairpersons, staff and professors. We are blessed to be surrounded with people who made us believe in dreams, in love, in others and in ourselves.

Ang araw na ito ay isang napakalaking araw para sa lahat, higit sa ating mga magsisipagtapos. Subalit, naiisip ba natin ang kinabukasan na naghihintay sa atin? Tama… naiisip natin na bukas tayo ay susuong sa realidad ng buhay… ang katotohanan ng buhay. Paano nga ba natin haharapin ang mga ito?

This could have been the question: “What is the secret of life?” I have once read the answer: “keep breathing”.

Right now, we have ambivalent feelings as we bid farewell to this university, from sheer joy to fear, from worry to anticipation. It is something we have faced before as we go through kindergarten to grade school to high school and to college. It is all a series of new beginnings. Now, some of us might choose to go to the real world of work. But our schooling is not over. Let us treat our workplace as another school and learn lessons from it.

Fellow PUP graduates, there is nobody who deserves these fulfillment in our life more than ourselves. I wish everybody a successful journey.

Comments»

1. cheryl - September 16, 2009

hi ivy


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: